Ipinagkaloob ng Pamahalaang Lokal ng Bauang sa pamumuno ni Mayor Menchie C. Lomboy-de Guzman, MD ang insentibo na nagkakahalaga ng PHP 30,000 kina Lola Francisca ng Barangay Calumbaya at Lola Brigida ng Baccuit Norte nang ipinagdiwang nila ang kanilang ika-isang daang kaarawan.
Makakatanggap din sila ng insentibo mula sa Provincial Government ng La Union at sa National Government na nagkakahalaga ng PHP 100,000 pesos na nakasaad sa Centenarian Act of 2016.
Kabilang sina Lola Francisca at Lola Brigida sa walong centenarian ng Bauang.
Maligayang ika-100 na kaarawan, mga Lola!